Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Labi ng ina ni Angeline Quinto, nai-cremate na matapos ma-postponed


 

Matapos ma-postponed dahil sa bagyong Ulysses, nai-cremate na rin sa wakas ang mga labi ng adoptive mother ng aktres na si Angeline Quinto noong Biyernes (Nobyembre 13).


Sa isang Instagram post, malungkot na namaalam si Angeline sa kaniyang ina habang hawak ang urn na pinaglalagyan ng mga abo nito.


"My angel. I love you, Mama. Forever," maikling sabi ng aktres sa kaniyang post.


Noong Huwebes (Nobyembre 12) sana ang nakatakdang cremation ng kaniyang ina ngunit dahil sa pananalasa ng bagyong Ulysses ay napagdesisyunan niyang ipagpaliban muna ito.


Sa isa pang post ni Angeline, ipinakita niya ang kaniyang pagdadalamhati sa pagpanaw ng kinalakihang ina at ang kaniyang umaapaw na pagmamahal dito.


“Mag-iingat ka sa paglalakbay Mama. Hindi man kita maalalayan sa paglalakad ngayon patungo sa paraiso, masaya ako nandiyan ang Panginoon para umalalay sa ‘yo… Hanggang sa muli nating pagkikita, mahal na mahal kong mama Bob," saad ni Angeline

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog archive