Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Lalaki, kita sa camera na inaanod ng rumaragasang tubig sa Marikina river


 

Nahagip sa camera ang isang lalaki na humihingi ng saklolo habang inaanod ng rumaragasang tubig ng Marikina river sa kasagsagan ng bagyong Ulysses noong Huwebes (Nobyembre 12).


Mula sa isang tulay, kukuha lang sana ang GMA News ng footage ng sitwasyon sa Marikina river nang bigla sumulpot ang lalaki sa kulay putik na tubig.


Ayon kay Jonathan Andal ng GMA News, mapapansin na sinusubukan ng biktima na lumutang sa umaagos na tubig habang sumisigaw upang humingi ng saklolo.


Sa kasamaang palad, nang panahong iyon walang ibang tao na maaaring magligtas sa lalaki upang masalba ang kaniyang buhay.


Samantala, patuloy pa rin itong pinaghahanap ng local rescuer ng Marikina sa mga oras na ito.


Pag-amin ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro, kasalukuyang nahihirapan ang awtoridad sa pinsalang dulot ng bagyo lalo pa at puno na ang mga evacuation center at marami pa rin ang hindi nare-rescue sa kani-kanilang tahanan.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog archive