Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Ama na security guard sinama ang kanyang anak sa duty para maalagaan


 Isang security guard ang agaw pansin sa pawnshop dahil hawak ang kanyang anak na premature na walang gustong mag-alaga sakanya kaya ang kanyang ama nalang dahilan kung bakit niya ito sinasama sa mismong duty niya.


Ayon sa may ari ng larawan at nagpost sa facebook na si Jeff Magno na habang siya ay nasa pawnshop napansin niya na may dala-dala na bata ang security guard na masasabi nating agaw pansin dahil bihira lang itong mangyari sa lugar o habang ito ay nasa duty.


Habang nakapila si Jeff tinanong niya ang security guard kung masama ba ang pakiramdam ng bata ang hindi pala niya alam isa palang premature ang batang dala-dala ng security guard kaya natunaw ang puso ni Jeff at humanga sa ama na security guard.


“Bihira lang mangyare ang ipagsabay ang pagtatrabaho habang nag-aalaga ng bata at kaya pang ngumiti ng security guard” ayon sa caption ng larawan na pinost ni jeff.


Maraming netizens ang humanga sa pagiging mabuting ama ng security guard , marami din ang nagkomento sa post at pinupuri ang employer ng pawnshop dahil naiintindihan nila na kailangan alagaan ang kanyang anak at kailngan itong ingatan. 


“God will bless you for being a good father, I salute you!” komento ng isang facebook user.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Blog archive