Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Isang lalaki ang binangga, ninakawan at pinagsasaksak ng sakay ng tricycle

 

Ayon sa 'unang balita' nitong Lunes, Isang lalaki na taga Manila ang napadaan lang sa kalsada ng bigla itong binangga, ninakawan at pinagsasaksak.


Habang pauwi galing tarabaho ang biktima mga bandang 3:00AM sa Vicente Cruz street ng bigla ito banggain ng tricycle at bigla bumaba ang dalawang sakay ng tricycle hindi para tumulong kundi para holdupan ang biktima at kuhanin ang bag. 


Kita sa CCTV na nakikipag agawan ang biktima sa bag nito dahil meron itong laman na pera at mamahaling cellphone na dalawang buwan palang niyang nagagamit.


Kaya sa pakikipag agawan ng biktima, hanggang sa nag labas ng matulin na bagay ang suspek para hindi na makapag laban pa ang biktima.


Nagtangkang maghabol ng biktima hanggang sa makapunta sa tricycle at ilang mga tanod ang tumulong para habulin ang mga suspek pero nakatakas padin ito.


Nagtamo ng maraming sugat ang biktima at natanggalan pa ng dalawang ngipin, naaresto nitong weekend ang isa sa mga suspek na kinilalang si Harris Hogan, 23-anyos, residente ng Tondo. 


Ayon sa pulisya, inamin ni Hogan na siya ang nag-drive ng tricycle na bumangga sa biktima. Nahaharap siya sa kasong robbery with frustrated homicide. 


Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Blog archive