Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Lalaking lumabag sa batas trapiko, nakipagsagutan sa mga traffic enforcers


 Isang lalaki na nagpapakilala sa kanyang sarili bilang "Billy Jack Sanchez" ay nag-viral dahil sa init ng ulo matapos siyang harngin ng mga traffic enforcer dahil ang backride ng kanyang motorcyle ay walang suot na helmet.


"This is Billy Jack Sanchez, you wanna know what?" ayon sa kanya. "These traffic enforcers are harassing me right now."


Isinumpa pa niya ang mga traffic officer, habang sinasabi na "Yung backride ko may violation, hindi ako. Siya!"


"Tanong mo sa sarili mo, ako ba naka-backride?" dagdag niya.


Iginiit ng taong kumukuha ng video (tila traffic enforcer) na, bilang driver, lumalabag din siya sa Motorcycle Helmet Law.


Ang pasahero, na kinilala ng tagapagpatupad sa video bilang kanyang "kasintahan", ay sinubukan ang lahat upang makontrol si Sanchez.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Blog archive