Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Syrian Wanderer, nagbigay ng tip na higit 100k para sa mga drive thru crews


Isang Syrian Vlogger na si Hungry Syrian Wanderer na bibili lang ng burger ng biglang nag bigay ng tip sa mga drive thru crews higit na 100,000 pesos at free burgers na galing sa kanyang restaurant.


Ginawa niya ito para magbigay salamat sa mga Pilipinong nag tatrabaho bilang isang crew at karapat dapat na bigyan ng reward dahil sa kanilang kasipagan, sobra sobra ang pasasalamat ng Syrian vlogger.


Masaya ang Syrian Vlogger dahil nabibigyan niya ng maraming trabaho ang mga Pilipino dahil sa pag dedelivery niya ng mga ibat ibang pagkain katulad ng Jollibee at Mcdo.


Meron din ito ng sarili niyang fast food na tinatawag ba YOLO Burger nagbebenta sila ng fries, burgers at marami pang iba, mga Pilipino rin ang mga crews sa kanilang business.


"Sobrang saya ko po dahil binigyan ako ng opportunity ni sir para may maibigay ako sa pamilya ko" Ani ng isang crew sa kanyang resto.


Marami pang Pilipino ang gusto tulungan ng Syrian Vlogger dahil sa sobrang sipag nila pati narin sa dedikasyon nila sa kanilang pagtatrabaho.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Blog archive