Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

"Tunay na pagbabago": Blogger, nagbigay saloobin sa pagkapangulo ni Pres. Duterte


Viral ngayon sa social media ang isang Filipino blogger matapos nitong maglabas ng saloobin kung bakit nga ba nahalal bilang lider ng Pilipinas si Pangulong Rodrigo Duterte.


Sa pamamagitan ng Facebook post, sinabi ni Noel Landero Sarifa na tanging si Pres. Duterte lamang ang naging lider ng bansa na may tunay na malasakit sa bayan at sa kaniyang mamamayan.


Giit niya, nailuklok sa kaniyang pwesto ang Pangulo dahil siya lamang ang may kakayahang mag-angat sa Pilipinas sa kabila ng mga nakaambang panganib, katiwalian sa gobyerno, pang-aabuso sa kalikasan, droga at maging sa pandemya.


"Kaya nanalo si PRRD sa panahong halos kinakawawa na tayo ng mga ahensya ng gobyerno na halos impyerno na ang pila at serbisyo dahil ihahatid nya ang tunay na pagbabago," saad ni Sarifa sa kaniyang post.


Dahil dito, marami ang sumang-ayon at marami rin naman ang umalma kung kaya hanggang ngayon ay patuloy itong umaani ng diskusyon mula sa iba't-ibang panig ng bansa.

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive