Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Psychic, nakausap ang kaluluwa ni Christine Dacera at tinraydor daw ng kaibigan


Pumunta ang pamilya ng flight attendant na si Christine Dacera para makita kung ano ba ang dahilan ng kanyang pagkamatay.


Ayon kay Sharon Dacera, ina ni Christine, may nakausap na silang psychic na sinubukang makausap ang kalukuwa ng kanyang anak upang tanungin ang tunay na nangyari nu’ng araw ng kanyang pagpanaw.


Sa kabila nga ng resulta ng medico-legal na nagsasabing “natural causes” ang ikinamatay ng flight attendant pati na ng mariing pagtanggi ng mga taong pinangalanan sa reklamong rape with homicide na isinampa ni Sharon.


“Ang akin lang naman po, sana makonsensiya sila na magsabi ng totoo. Sabi nila, mahal nila si Tin, e, bakit nagkaroon ng mga galos, yung mga bruises yung anak ko? Sa’n yun galing, e, kayo lang magkakasama, e?” ang mariing pahayag ni Sharon sa programa ni Luchi Cruz-Valdes sa TV5 na “Deretsahan”.


Pero sa kabilang banda sinabihan siya ni Luchi na hindi maaaring tanggapin sa korte ang mga pahayag ng psychic dahil wala umano itong “evidentiary value.”


Pero ani Sharon, “Siyempre we are looking for, yung tinatawag natin na lahat ng paraan na ginawa ng isang nanay kung ano ba talaga ang nangyari sa anak niya.


Kasalukuyang hinihintay ng kampo ng pamilya Dacera ang resulta ng DNA test sa ilang organs ni Christine para malaman kung may makukuha pa silang ebidensya na magpapatunay na may foul play sa pagkamatay ng dalaga.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Blog archive