Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

VIRAL: Sen. Pacquiao, nagbigay ng $100 sa isang pulubi sa U.S


Hindi lamang sa Pilipinas ang nakakilala kay Manny “Pacman” Pacquiao kundi sa buong mundo, marami ang lubos na nakakakilala sakanya lalong lalo na sa larangan ng boxing hindi lamang ang mga Pinoy ang mga humahanga sakanya kundi pati ang mga taga ibang bansa.

 

Biglang nag-viral ang video ni Sen. Pacquiao ng bigyan niyang pera ang isang pulubi sa Amerika, mapapansin sa video na pag bigay ng pera ni Manny nagulat ang pulubi dahil kilala niya ito at iniidolo niya si Pacquiao, ang pera ay nag kakahalaga ng $100 o Php5,000 na lubos namang ipinagpasalamat ng pulubi.

 

Kaya hindi maipaliwanag ang saya ng lalaki ng iabot ni sen. Many ang pera, lubos na nagpapasalamat ang pulubi sa perang ibinigay, marami naman sa mga netizens ang natuwa sa video lalo na ang mga kababayan nating Pilipino dahil tila proud na proud sa ating kapwa Pilipino na si Sen. Pacquiao.

 

hindi lamang ang pangalan ni Sen. Pacquiao ang dala-dala nito dahil maging ang ating bansa ay bitbit niya at talagang maipagmamalaki sa ibang bansa.

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive