Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Ama na paulit-ulit na ginagahasa ang dalawang babaeng anak, ipinakulong ng asawa


Arestado at ipinakulong ang isang lalaki sa Tuy, Batangas matapos itong ireport sa mga pulis ng paulit ulit na panggagahasa sa dalawang batang babae na sarili pala niyang mga anak.

Edad 10 taong gulang at 7 taong gulang ang dalawang bata na pawang menor de edad. Hinuli ang 33-anyos na lalaki matapos magsumbong ang ina ng mga bata.

"Kung kailan wala ang ina saka ginagawa ang karumal-dumal na bagay dito po sa kanilang sariling bahay. Kasi simula six years old pa po siya (panganay) hanggang 10-years-old ay hinahalay na po ng sarili niyang ama," ayon kay Police Major Von Gualberto, hepe ng Tuy Police.

"At itong pitong-taong-gulang naman ay mag-iisang taon na po niyang ginagawan po ng panghahalay," dagdag ng hepe.

tinangka ng suspek na magbigti sa loob ng kulungan, pero napigilan siya ng mga pulis.

"Nagsisisi na po ako sa aking mga nagawang kasalanan. Sana po mapatawad po ako ng aking pamilya at aking mga anak dahil nagawa ko po sa kanila 'yon. Sana pati ang mga tao, pasensya na po kayo at ako'y talagang nagkamali po," sabi ng suspek sa report ng GMA News.

Sinisikap ng Municipal Social Welfare Development (MSWD) ng lugar na bigyan psychological intervention ang mga biktima upang mabawasan ang trauma na kanilang sinapit.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive