Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Pampasaherong bangka, nasusunog; Coast guard nagsasagawa ng rescue operations


Ayon sa report ng Philippine Coast Guard, may laman na 124 katao ang pampasaherong bangka. Umalis ito galing Polilio island at papunta ng Real sa Quezon province.

Umalis ng Polillo ang bangkang Mercraft 2 dakong alas-singko ng umaga nitong Lunes at patungo sana ito sa bayan ng Real.

Dakong alas-sais ng umaga ay nagdeklara ng abandon ship command ang kapitan dahil sa sumiklab na sunog.

“Naganap ang insidente nang makarating ang barko 1,000 yarda mula Port of Real. Sa mga oras na ito, nagpapatuloy ang search and rescue (SAR) operation. Naihatid na sa pinakamalapit na ospital ang anim na pasaherong nangangailangan ng tulong medikal,” ayon sa part statement ng PCG report.

Sumiklab daw ang sunog ng nasa layong 1,000 yard ang Mercraft 2 mula sa Port of Real, dagdag niya.





(Photos by Vincent Bardog Caceres via Philippine Coast Guard)
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive