Travel. News. Migrants. Economy. Health

GF iniwan ang 4 na anak sa 'partner' para mag-Taiwan, pinagpalit sa 'pogi' kinalaunan


Sa isang post ng Lespinay Confession page, nagconfess at nanghihingi ng advice ang isang netizen dahil pinagpalit daw ito sa iba simula ng magpunta ng Taiwan para magtrabaho.


Narito ang kanyang mensahe:

''Good day admin, nag ofw pa taiwan ang gf ko last May 2019. Iniwan nya sa kin ang 4 na anak nya. May kasunduan kami na magpapadala sya sa akin ng malaki buwan buwan para mapag aral at mabigay nya mga kailangan ng mga anak nya sa kin. 

May work din po ako pero 12K lang ang sweldo ko. Kargo ko pa ang nanay ko sa sweldo ko na yan. June, ang padala nya is 10k lang. tapos etong july at august hindi na sya nagpadala. Ang sabi nya, ako na daw muna mag abono sa mga anak nya. Tapos hindi na sya masyado nakikipag vc (video call) sa akin.


Ewan ko ba bakit may nagbulong sa akin na buksan ang fb messenger nya. May bago syang nakakachat na andito din sa pilipinas. Pinapadalhan nya ng pera para di sya iwan kasi pogi yung tao. Dami hinihiling like shoes, cp, tsaka slippers na nike. Mahal na mahal sya ng gf ko. 

Piniem (Private message) ko yung butch tapos nag deactivate ang butch. Alam ko ang bahay nya. Iniikutan ko ang bahay nila paglabas ko ng trabaho. Gusto ko ihatid ang 4 na anak nya doon sa bago nya tapos hiwalayan na sya. Sinabi ko na sa mga anak nya na may bago na silang daddy. Nag iyakan yung mga bata naawa naman ako. Ano po ba ok na gawin. Nagagalit na din nanay ko sa kin.''


Hindi pinangalan ang babae at ang nagconfess pero masasabi natin na kasama ang ating kapatid sa LGBT community. Kahit na ganoon, dapat ay pinahalagaan ni GF ang kinakasama niya dahil inaalagaan niya ang kanyang mga anak.

Ano ang ma-advice niyo sa kanya at sa GF niyang nasa Taiwan?

Share:

No comments:

Post a Comment

Search This Blog

Popular Posts

Labels

Blog Archive