Travel. News. Migrants. Economy. Health

Lalake hiniwa ng 20 beses ang girlfriend sa Kaohsiung pagkatapos makipagbreak


Isang lalaking Taiwanese na sinasabing hiniwa ng 20 beses gamit ang fruit knife ang isang babaeng high school student pagkatapos umanong makipagbreak ito sakanya, nangyari ang insidente sa Kaohsiung.


Si Tseng na 22 taong gulang na ipinaalam sa kanya ng kasintahan na si Yang 19 taong gulang na nakikipaghiwalay na ito sakanya. Lubos na nagalit si Tseng at inabangan niya ito habang palabas ang babae isang shop at hiniwa at sinaksak ang babae ng 21 beses.

Ayon sa mga witnesses, wala sa tamang pagiisip ang lalake kaya nagawa niya ang ganoon. Nahiwa ang parteng scalp sa ulo at ang ring finger ng babae, mabilis na sinugod sa Kaohsiung Medical University Chung-Ho Memorial Hospital.


Ang lalake ay may mental disorder at nagdilim ang paningin kaya nagawa niya na saktan at halos patayin ang babae. Ayon sa ibang report, hinintay talaga ni Tseng na lumabas si Yang sa shop para saksakin gamit ang fruit knife.

Hinampas ng helmet ng manager ng shop at tumulong na sipain ng mga bystaders ang paa para di makatayo si Tseng. Ayon sa hospital ay nasa stable na condition na si Yang at derecho sa kulungan si Tseng.
Share:

1 comment:

  1. Pg sa pinas to nangyari sasabihin agad nang karamihan addict yong gumawa tas nag gamit nang drugs.

    ReplyDelete

Search This Blog

Popular Posts

Labels

Blog Archive