Travel. News. Migrants. Economy. Health

Rich Asuncion nag-migrate at waitress na ngayon sa Australia


Matapang na binitawan ng aktres na si Rich Asuncion ang buhay artista at piniling mamuhay ng simple sa Australia  kasama ang kaniyang Filipino - American na asawa na si Benjamin Mudie at ang kanilang anak na si Bela.


Nito lamang Lunes (Hunyo 19), masayang ibinalita ni Rich sa kaniyang Instagram post ang kaniyang tunay na kalagayan ngayon sa nasabing bansa. Dito ay  ipinahayag din ng aktres na siya ay nagtatrabaho bilang waitress na aniya, isang disenteng trabaho.

Masayang ibinahagi ni Rich sa nasabing post na natanggap na niya ang kaniyang unang sahod sa bagong trabaho nito. Pag-amin niya, patuloy pa rin siya sa pag-aadjust dahil  hindi madali ang pinili niyang bagong buhay sa Australia.

Maliban sa kaniyang bagong trabaho, ay kasalukuyan ding ipinagpapatuloy ni Rich ang kaniyang pag-aaral. Dagdag niya, inalukan din siya ng full time job sa daycare  na pinapasukan ng kaniyang anak.
Share:

No comments:

Post a comment

Search This Blog

Popular Posts

Labels

Blog Archive