Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Babaeng may sakit sa pag-iisip at kapapanganak lang, binugbog dahil sa lalaki


 Walang awang ginulpi ng grupo ng mga kababaihan ang kapwa nila babae sa kabila ng mental at pisikal na kondisyon nito nang dahil lamang sa isang lalaki.


Ayon kay Lleana Saladas na siyang nagbahagi ng kwento sa social media, bugbog ang tinamo ni Sophia Maxine Blythe na may sakit sa pag-iisip at kapapanganak lamang.


Sariwa pa ang mga tahi ni Maxine sa tiyan dahil sumailalim ito sa cesarean delivery. Hindi rin maayos ang emosyonal niyang kalagayan dahil sa pagkamatay ng kaniyang bagong silang na sanggol kung kaya wala itong kalaban-laban.


Sinubukang niyang magmakaawa sa mga taong nanggugulpi sa kaniya ngunit hindi nila ito pinakikinggan at patuloy lang sa pisikal na pananakit.


"Oh ayan dahil na report nagalit sa fb popost ko ulit kaso screenshot na!? Oh sa mga nambugbog kay Sophia Maxine Blythe alam nyo ng may sakit yan sa pag iisip pinatulan nyo pa! Sa mga naka panood sa video nag mamakaawa na si sophia dahil yung tahi nya masakit na! Dahil kapapanganak palang nyan Cs pa! May Postpatrum depression yan at kamamatay lang ng baby nya!" saad ni Saladas sa kaniyanv Facebook post.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Blog archive