Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Batang lalaki, Pinuri matapos magsauli ng P32k at mga ID


 Samut-saring puri ang natanggap ngayon ng isang 9-anyos na batang lalaki matapos nitong magsauli ng napulot nitong pouch na naglalaman ng 32,000 pesos, mga ID cards at pertinent bank documents.


Ayon sa PNP Alfonso Lista, nakita umano ni Gernan Jay Garcia, 9 anyos, ang isang pouch sa kalsada habang naglalakad siya pauwi agad namang pinagbigay ng bata at magulang nito sa mga awtoridad upang maisauli sa may-ari ang pitaka na nakita ng bata.


Ngayon ay naibalik na sa may-ari ang naturang pouch at sobra sobra ang kanilang  pasasalamat sa batang lalaki na nakapulot at sa magulang nito dahil maganda ang pagpapalaki nila sa kanilang anak.


Bilang isang reward binigyan ng may ari ang bata ng pera dahil sa katapatan nito, “Gernan, karapat-dapat kang tularan ng sinuman. Salamat sa pagtitiwala na ipinagkaloob mo sa amin” ani ng may ari ng pitaka.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Blog archive