Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Guro arestado dahil sa kasong rape matapos ang 2 taong pagtatago


 Nahuli na matapos ang dalawang taong pagtatago ang lalaking guro na sinampahan ng mga kasong pangmomolestiya at pang-aabuso sa mga menor de edad niyang estudyanteng lalaki noong taong 2018.


Mula a ulat ng GMA News nitong Biyernes, sinabing naaresto ng mga tauhan ng PNP-CIDG-Bulacan ang 28-anyos na akusadong si Marvin Apostol at nahaharap sa 13 counts of rape at seven counts ng act of lasciviousness.


Base sa reklamo ng mga magulang ng mga batang lalaki, ayon kay Police Major Leandro Gutierrez, hepe ng Bulacan-CIDG, na ipinapatawag umano ng suspek ang kaniyang bahay ang mga estudyante para turuan at bibigyan daw ng mataas na grado.


Matapos makasuhan, sinibak sa paaralan si Apostol at mula noon ay nagtago na,Ang mga magulang ng mga biktima, inakalang hindi na mahuhuli ang suspek.


Nagmakaawa naman at umiyak si Apostol sa harap ng mga magulang ng mga biktima para patawarin siya, "Humihingi pa ako ng paumanhin sa nagawa ko pong pagkakamali at sana po ay mapatawad nyo po ako. Pinagsisihan ko po yung mga ginawa ko," ayon kay Apostol.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Blog archive