Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Sumuko na ang pulis na si Jonel Niezca na binaril ang mag-inang kapitbahay nito


 Sumuko sa Rosales Municipal Police Station nitong Linggo ng hapon ang pulis na si Jonel Nuezca, na binaril ang mag-inang kapitbahay nito sa Paniqui, Tarlac. 


Ayon sa ABS CBN News, Isinuko rin ng suspek ang Beretta 9mm pistol na ginamit sa pagpatay kina Sonya at Frank Anthony Gregorio, maging ang PNP ID at mga bala ng baril. 


Si Nuezca ay naka-destino sa Parañaque City Crime laboratory unit at nakatira sa Barangay Cabayaoasan, Paniqui, Tarlac.


Sinita umano ng pulis ang mga biktima na kapitbahay nito sa pagpapaputok ng boga, ayon kay Lt. Col. Noriel Rombaoa, hepe ng Paniqui Police.


"Parang nainsulto siguro hanggang nagkasagutan ang anak niya at ang matandang biktima. Siguro nawindang ang isip niya, dun niya pinaputukan ang mga biktima," aniya.


Dati nang nagkagirian ang magkapitbahay dahil sa usapin ng right of way ngunit naayos na umano ito sa barangay, ani Rombaoa.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Blog archive