Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

23-anyos flight attendant, natagpuang patay sa isang hotel sa Makati City


 Patay na ng matagpuan ang isang flight attendant matapos umanong magdiwang ng bagong taon kasama ang mga kaibigan sa isang hotel sa Makati City.


Kinilala ang biktimang si Christine Angelica Da­cera Y Faba, residente ng Block 21, Lot 1, VS Home Subdivision Barangay San Isidro, General Santos City, South Cotabato.


Sa imbestigasyon ng Makati Police, natagpuang walang malay ang biktima ng kaibigan nitong si Rommel Galida sa bath tub ng kuwarto at nang hindi magising, agad nila itong ipinagbigay alam sa management ng hotel.


Maging ang chief security ng hotel ay nagsagawa ng cardio pulmonary resuscitation aa biktima, subalit hindi pa rin ito natitinag at nang pulsuhan ay wala nang tibok at wala nang buhay.


Ayon sa source ng Remate na ayaw pakilala, nakita sa CCTV ng hotel, bandang 6:00 ng umaga ng Enero 1, ang biktima na bitbit ng dalawang lalaki mula sa Room 2207 patungo sa Room 2209.

Hiniling ng pamilya sa Philippine National Police na magsagawa ng mas malalilam na imbestigasyon sa kaso.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Blog archive