Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Kuha sa CCTV ang huling sandali na buhay si Christine Dacera


 Nakita sa CCTV ang huling sandali na buhay pa si Christine Dacera sa isang hotel sa Makati City kung saan nag-New Year party ang Flight Attendant at ang hepe naman ng National Capitol Regional Police Office (NCRPO) may babala sa mga pinaghahanap na suspek.


Sa ulat ng GMA News nitong Martes, makikita ang 23-anyos na si Dacera na nasa hallway sa labas ng hotel room nila kasama ang ilang lalaki.


Makikita sa larawan na may nakalagay na petsa na December 31 11:38 P.M at makikitang may hawak na heels at wine si Christine at may kasamang dalawang lalaki sa labas ng room 2209.


Sa isa pang larawan nakayakap naman si Christine at kausap ang tatlong lalaki sa labas ng room at nahagip din ng kamera na may isa pang lalaki ang nakatingin sakanila.


Ilang segundo pa, makikita naman na may kausap na isang lalaki si Christine, habang papalayo ang dalawang lalaki, at may tatlong iba pa na nakatingin sa kanila sa dulo ng hallway.


Pinag-aaralan na umano ng pulisya ang footage, tanghali noong January 1 nakita ang bangkay ni Dacera sa bathtub.


“Hindi po natin masasabi. It could be possible na meron siyang na-take or it could be possible na merong pinainom sa kaniya unwillingly or hindi niya alam,” ayon kay NCRPO Chief Police Brigadier General Vicente Danao Jr.


Ayon sa Makati police, kilala umano ni Dacera ang manager ng hotel at kasama pa umano sa party, hindi pa naglalabas na opisyal na pahayag ang hotel.


Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Blog archive