Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Rider na nakipagtalo sa enforcer, nagbantang kakasuhan si Erwin Tulfo


 Matapos makipag-alitan sa traffic enforcer dahil sa hindi matanggap na traffic violation, nagbanta naman ngayon si Billy Jack na sasampahan nito ng kaso ang TV host na si Erwin Tulfo kung hindi ito titigil sa pagbibigay komento patungkol sa kaniya.


“Erwin Tulfo, stop it or less I am obliged to file a casê against you, the wrít of habêas dâta. Okay baka hindi mo naintindihan ‘yun kasi b0b0 ka… I search mo ‘yun,” sabi ni Billy Jack.


Nag-ugat ang pahayag niyang ito matapos sabihin ni Tulfo na baka mayroong problema sa pag-iisip si Jack kung kaya hindi na dapat siyang patulan.


"Hindi ka naman mapag-uusapan dito kunv wala kang ginawang kalokohan," giit pa ni Tulfo.


Sa kabilang banda, nanawagan din si Jack sa Angeles Police na huwag magpagamit kay Tulfo.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Blog archive