Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Tricycle driver na nakapangasawa ng magandang foreigner, nag-viral


 Viral sa social media ang larawan ng isang Pinoy na tricycle driver kasama ang isang magandang foreigner, sinabi sa naturang post ang dahilan kung bakit na-inlove sa isa't isa ang dalawa kahit na parang malayo ang agwat ng kanilang buhay.


Nahulog ang puso ng babae sa tricycle driver dahil sobrang matulungin, magalang, mabait at nakapa-mapagmahal daw ito, patunay lamang na ang babaeng ito ay hindi tumitingin sa panlabas na anyo kundi sa busilak na kalooban ng isang tao.


Madaming humanga sa foreigner dahil kahit tricycle driver lang yung lalaki ay minahal pa din niya ito na hindi din maipagkakaila ang kabutihang loob ng isang babae.


"Tunay na pag-ibig talaga dahil nagustuhan daw ng foreigner na ito ang pagiging hospitable, magalang, mabait at mapagmahal na pinoy, hindi sya tumitingin sa panlabas na anyo.. " ayon sa post.


eron din nagsabi na aanhin nga naman ang guwapo kung babaero naman ito, kung kaya naman dapat ay unahing piliin ang may mas mabubuting kalooban kesa sa magandang panlabas na anyo.


Ayon pa sa isang netizen, hindi daw kasi uso sa mga amerikana ang ang diskrminasyon, hindi tulad sa Pilipinas na punong-puno ng panlalait sa kapwa.


Minsan sa buhay ng tao ay hindi mo kailangan maging maganda o gwapo para magustuhan ka ng taong gusto mo, dahil mayroon iba na hindi tumitingin sa panlabas na anyo ng isang tao kundi tinitignan nila sa busilak na kalooban ng isang tao.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Blog archive