Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Patuloy ang paghihirap ng isang lalaki na may malaking bukol sa kanyang likod


Nagsimula sa ang kanyang bukol na parang maliit lang na kalamansi ngunit lumipas ang mga taon lumalaki ito at ngayon ay higit na itong 10 kilo ang bigat, sinasakop na ito ng kalati ng katawan sa sobrang laki.



Kinilala ang lalaki na si Mang Jesus Mahigit na 40 taon na daw itong dala dala sa kanyang likuran ang 76-anyos na si Mang Jesus na nakatira sa Talisay, Camarines Norte. 



Sa sobrang laki ng kanyang bukol at patuloy parin daw ang pag laki ng bukol sa kanyang likod araw-araw nalang nahihirapan sa pagtayo, sa paglalakad at pati narin sa pagtulog si Mang Jesus.



Hinala niya nakuha niya ang malaking bukol na ito dahil sa pagpapasan ng mainit na kopra noon na posibleng pinalala ng isang albolaryo na may itinusok noon. 



Nahihirapan narin si Mang Jesus sa kanyang mga dahil kinakailangan niya ngayon ay ang mga malalaking damit lalo na kung patuloy ang paglaki ng bukol sa kanyang likod.



Ang tanging kinakapitan nalang ngayon ni mang Jesus ay ang pananampalataya sa Panginoon dahil walang imposible sa mata ng diyos. 


Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Blog archive