Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Santo Niño, bigla nalang umanong gumalaw at sumayaw habang pinapaliguan sa Cebu

 


Nag-viral ang post sa social media ang facebook user na si Danta Silawan na sinasabing nakita raw ang Santo Niño na bigla nalang itong gumagalaw at sumasabay nalang sa tugtog sa lugar ng Olongo Island, Cebu.


Ang mga taga roon ay taon-taon nilang pinandiriwang ang pagpapaligo sa kanilang Santo Niño, pinapaliguan ito gamit ang sabaw ng buko na ginawa pa itong langis talaga naman na kakaiba ang panligo ng Santo Niño.

 

Ngunit nitong nakalipas na Linggo, habang pinapaliguan raw ang Santo Niño dahan-dahan umano itong umiikot na parabang siya at sumasayaw at mapapansin din na wala naman humahawak sakanya kaya ito ay nakakapagtaka.

 

Marahil na hindi kapanipaniwala ang kwento pero ayon sa naka kita na si Danta kahit siya hind iron makapaniwala sa kanyang nakita siya ay napatulala nalang sa nangyari, “ hindi kami namimilit na maniwala kayo sa amin basta kami naniniwala kami sa nangyari.”

 

Ayon kay Bobby na isa ding deboto, “nung nakita po naming siyang gumalaw at umikot tumulo nalang ang luha namin mga nakasaksi sa sobrang saya, naniniwala po kami sakanya dahil sa mga pinakita niyang milagro walang makakatinag sa aking paniniwala na ito kahit ano pa ang sabihin ng iba.”

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Blog archive