Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Ina, hiling na madugtungan ang buhay ng anak na may stage 4 cancer


Sa araw-araw na buhay ng isang ina, wala itong ibang nais kung hindi ang kapakanan ng bawat isa sa kaniyang mga anak. Tulad na lamang ni Dubie Ann Damaso na halos itaya na ang buhay madugtungan lamang ang buhay ng kaniyang supling na mayroong cancer.


Si Dubie ay mula sa Brgy. Tagburos sa Puerto Princesa. Ang kaniyang anak na si Mark RD, dalawang taong gulang, ay kasalukuyan ngayon pinahihirapan ng stage 4 cancer Retinoblastoma, isang sakit sa mata.


Dahil sa kondisyon ni Mark, nasa alanganin ang kaniyang buhay at hindi rin siya makapaglaro gaya ng ibang bata dahil sa sakit na dinaranas.


Tanging hiling ni Dubie, may himalang  mangyari sa kaniyang anak at bumuhos ang tulong sa gamutan ni Mark nang sa gayon ay matudlungan ang kaniyang buhay.


Sa mga mga nais magpahatid ng tulong, maaaring makipag-ugnayan sa Brigada News FM Palawan gamit ang mga numerong 0995-556-9396, 0908-986-3763, at sa personal na numero ni Dubie na 0963-337-6917.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Blog archive