Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Matandang tindero ng saging, binayaran ng pekeng P1000

 


Viral ngayon ang isang matanda na nagtitinda ng saging matapos itong  maloko ng nagpanggap na kustomer at nagbayad ng pekeng P1000.


Ayon sa Facebook user na si An Ge Lie na siyang nagbahagi ng kwento, namamalengke lamang siya nang mapansin niya ang matanda.


Labis ang kaniyang  pagkaawa dahil napag-alaman niya na binayaran pala ito ng isang nagpanggap na kustomer ng P1000.


Kwento raw ng tindero, halagang P100 ang saging na binili ng suspek. Binayaran daw siya nito ng P1000 kung kaya siinuklian naman niya ito ng P900.


Laking pagtataka ng matandan nang dali-dali umanong umalis ang akala niya'y kustomer at saka iniwan ang saging. Maya-maya pa ay napagtanto niya na peke pala ang ibinayad sa kaniya.


Dahil dito, labis ang  pagkagalit ng publiko sa suspek. Anila, sa halip na maghanap-buhay ng marangal ay mas pinipili pa nilang manloko ng kapwa na nagsusumikap kumita lang ng pera sa malinis na paraan.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Blog archive