Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

'Switched babies' na itinampok sa KMJS, naibalik na sa kanilang magulang

Matapos ang higit-kumulang isang buwang paghihintay sa resulta, sa wakas ay naibalik na rin ang mga sanggol sa kani-kanilang magulang matapos silang maipagpalit ng mga manggagawa sa ospital kung saan sila ipinanganak.


Sa episode ng "Kapuso mo, Jessica Soho" kagabi (Pebrero 28) ay inilabas ang ikalawang resulta ng DNA test na isinagawa upang malaman kung nagkapalitan nga ba ng sanggol ang mga magulang na si Aphril at Marvin Sifiata at Margareth Traballo at asawang Kim Jasper Mulleno.


Sumailalim na ang mga ito sa DNA test noong unang beses na itampok sila sa programa. Ito ang nagkumpirma na hindi nga nila tunay na anak mga sanggol na hawak nila.


Kung kaya minabuting magsagawa ng ikalawang DNA upang malaman kung nagkapalitan nga ba sila ng anak.


Base sa resultang inilabas kagabi, ang sanggol na hawak nina Aphril ay may 99.99998% probability of maternity kay Margareth. Ganoon din ang resulta sa naging DNA test ni Aphril sa sanggol na hawak ni Margareth.


Ibig sabihin nito, totoong nagkapalitan ng sanggol ang dalawang mag-asawa. Masayang-masaya ang dalawang pamilya dahil sa wakas ay makakasama na nila ang kanilang tunay na anak.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Blog archive