Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Tiyuhin, todo bigay ng pera sa mga pamangkin kapalit ng kahalayan

 


Arestado ang 52-anyos na lalaki mula sa Pozorrubio, Pangasinan, matapos itong iturong suspek sa panghahalay sa kaniyang dalawang menor-de-edad na pamangkin.


Ayon sa ulat ng GMA Regional TV "Balitang Amianan" nito lamang Martes (Marso 2), hindi raw lubos akalain ng ina ng isa sa mga biktima na ang kabaitan  ng suspek ay may kalakip palang maitim na intensyon sa kaniyang anak.


Aniya, palagi niyang napapansin na mayroong pera ang kaniyang anak. Inaamin naman ng bata na galing ito sa suspek ngunit  nagkikibit-balikat lamang ang ina dahil akala niya ay sadyang mabait lamang ito.


Isiniwalat naman ng suspek na totoong hinawakan niya ang maselang bahagi ng katawan ng mga biktima. Lumalabas din sa medico-legal report na napagsamantalahan ang mga bata.


Dahil dito, desididong magsampa ng kaso ang mga magulang ng mga biktima. Samantala, kasulukuyan pang umiiral ang imbestigasyon ng mga pulis sa nasabing krimen.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Blog archive