Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Raffy Tulfo, magbebenta ng sapatos upang mamigay ng ayuda sa mga supporter

 

Napagpasyahan ng broadcast journalist na  si Raffy Tulfo na magbenta ng mga koleksyong sapatos at damit nang sa gayon ay makapaghatid siya ng tulong sa mga libo-libong taong nangangailangan.


Sa kaniyang Facebook page na Raffy Tulfo in Action, inanunsyo niya na simula  Lunes (April 26) ay sisimulan na niyang magbenta ng kaniyang mga sapatos at damit na kasama sa kaniyang mga mamahaling koleksyon. 


"Ang bawat isang humihingi ng tulong ay may katapat na isang shoes, damit o gamit ni Idol na ibebenta niya para ang perang napagbentahan ay mapupunta sa mapipiling tutulungan," saad sa video announcement na kaniyang binahagi noong Abril 19.


Dahil sa kaniyang mabuting hangarin, naudyok din ni Tulfo ang kaniyang asawa na si Jocelyn na tumulong at magbenta rin ng ilan sa kaniyang mga koleksyong bag at sapatos.


Upang mapabilang sa mga mabibigyan ng ayuda, kailangan lamang magpadala ng mensahe sa naturang Facebook page.


 Laman ng mensahe ay ang kwento at  ng buhay ng taong humihingi ng tulong, pati na rin ang ilang videos at larawan na magpapatunay sa kanilang kasalukuyang sitwasyon.


Dapat ring ibahagi ng nais makatanggap ng ayuda kung bakit siya ang karapat-dapat na mapili.

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive