Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Baby na gutom na gutom, pina-breast feed ng isang matulunging ina na napadaan lamang


Namataan ang isang ina at baby nito sa may convinience store na namamalimos para may pambiling gatas ang baby. 


Saktong napadaan ang wonder mon at ang kasama nito na tumulong naman sa kanila. Binilhan sila ng pagkain at diaper para sa baby. Nagpabreastfeed pa ito para sa baby na talagang gutom na gutom.


Narito ang buong post:



Narito ang translation sa Tagalog:


"Sa 7/11 Buenavista, may nakita kami ni Ma’am Mae Uayan Prisco-Tagarap na mother and baby. Itong nanay nakita ko na to highschool pa ako dun sa Bayugan City. Kung titignan mo ang mama ng baby, hindi talaga maayos ang sitwasyon. Kawawa siya lalo na ang baby. 


Nakaabang sila sa labas para humingi ng pera para makabili ng gatas kasi walang lamang gatas dede kasi wala din saktong nutrisyon kasi di rin nakakain ang nanay. So gutom na gutom na yung bata. 


Nagdecide kami ni Ma’am Mae na bilhan ng food ang mama and diaper si baby. 


Habang kumakain ang nanay, kinuha namin ang baby kasi nakakaawa, gutom na gutom at naiyak pa. Kaya inoffer ko sa kanya yung breastmilk ko because this is the best thing I know I could offer to the innocent little one.


If you see them, please don’t judge on them directly. Please help them. "


Kudos to all who have done the same , napicturan man o hindi. Nagviral man o hindi. Hindi lahat kayang gawin ito. Grabe yung puso niyo sa mga sanggol.

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive