Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Kambal na sanggol, dinurog na saging ang pinapakian kapalit ng gatas


Nananawagan ng donasyon ang isang netizen na si Joy na mabigyan ng gatas ang kambal na sanggol sapagkat dinurog na saging ang pinapakain sa kanila.


Kasalukuyan silang kinupkop ng isang concerned citizen dahil sa binaha sila at walang ari-arian na nasalba.



Tingnan ang post ni Joy sa kanyang FB account:


“Sa mga nagbibigay po ng milk dyan bka nmn po pwede bigyan si baby dinurog na saging lng po pinapakain ng nanay dahil wala npong gatas may kumupkop po sa kanila concerned citizen dahil po binaha cla walang naisalba kambal po cla.”


Iba't-ibang mga reaksyon mula sa mga netizens ang nakuha ng naturang post. Ang iba ay humihingi na ng tulong sa team ni Raffy Tulfo.


Samantala, mahigpit na iminumungkahi ng Department of Health (DOH), World Health Organization at ng United Nation’s Children Fund (UNICEF) ang pagpapasuso ng ina sa kaniyang sanggol na anak. 

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive