Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Lasing na pulis, walang awang binaril sa ulo ang isang lola sa Quezon City


Patay ang isang 52-anyos na babae matapos sabunutan at barilin sa ulo ng isang lasing na pulis sa Brgy. Greater Fairview Quezon City. Kinilalang suspek na pulis, arestado. 


Bumibili lang daw sa tindahan ang kaniyang nanay nang lapitan ng lasing na pulis. May 1 daw nang magkasuntukan ang kapatid niyang lalaki at ang pulis, ayon sa anak ng biktima. 


Pagkatapos daw ng insidente noong May 1 ay nagbanta na ang pulis, dagdag nito. Kinilala ang biktima na si Lilibeth Valdez


Ang suspek na si PMSg Hensie Zinampan na nakatalaga sa PSPG, ituturnover sa CIDU sa Camp Karingal. Itinaggi niya na siya ang pumatay sa biktima kahit pa kitang-kita sa video ang kanyang pagbaril. 


Kita sa video na may mga bata sa paligid nang mangyari ito. Hindi naka-duty si Zinampan nang barilin niya ang biktima.


Narekober ng mga awtoridad ang baril na ginamit.




 

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive