Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Pulis, umani ng papuri matapos sagipin ang isang lalaking muntikang malunod sa ilog


Hinangaan at umani ng papuri ang isang pulis dahil sa ginawa nitong pagsagip sa buhay ng lalaki na muntikang malunod sa ilog sa Ilagan City, Isabela.


Hinangaan ng netizens ang kabayanihang ipinakita ni Patrolman Maynard Llapitan ng may marinig na humihingi ng tulong para sagipin ang isang lalaking nalulunod na si Ramon Domingo, 40-anyos sa Abuan River.


Nang maidala sa pampang ang lalaki ay agad itong binigyan ng first aid at pag gamit ng cardiopulmonary resuscitation o CPR.


Naging nagtagumpay ang pulis na ma-revive ang wala nang malay na lalaki at dinala sa malapit na ospital.


Lubos naman ang pasasalamat ng mga kapamilya ni Domingo sa pagtulong dito. (Larawan mula sa 1st Isabela PFMC-Isabela PPO) 

 

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive