Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Pumasok ang baterya sa ilong ng 3-taong-gulang na batang lalaki

 


Nagmadali papuntang hospital ang isang tatlong-gulang na batang lalaki matapos itong ipasok ang baterya sa kaniyang mismong ilong, sinabing dumadaing ang bata na masakit ang kaniyang ilong.

 

Inakalang marumi lang raw ang ilong ng bata ngunit nung nilisin ito ng kaniyang ina mas lalo raw dumaing ang bata na mas mas masakit at umamin din na may nakasuksok na bagay sa kaniyang ilong.

 

"Sabi niya battery. Tapos finlashlight ko po, meron siyang silver na nakita. Ayun, dinala ko na po siya sa malapit na ospital," sabi ni Jean Ong.

 

Nang ipasuri sa X-ray, nakita sa ilong ng bata ang baterya, na sinubukang sungkitin ngunit hindi natanggal. Sa paglipat nila sa ospital, inirekomenda ng espesyalista na hintayin na lang itong kusang lumabas sa katawan ni Sky.

 

"24 hours din po siyang hindi kumakain noon tapos mga after 24 hours, kumain na siya. Mga three days pa po bago pa po siya nag-poop nu'n. Doon na po nakuha 'yung battery," ayon kay Ong.

 

Nasa mabuting kalagayan na ngayon si Sky. "Sana po huwag niyo kaming i-judge, lahat tayo nagkakamali. Nagkulang po kami sa time, sa anak ko, dahil din po sa future niya na ginagawa namin. Lahat po tayong mga nanay alam 'yan, ayaw nilang masaktan or mapahamak 'yung isang anak natin," sabi ng ina ng bata.

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive