Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Viral ang isang dalaga dahil sa pagtitinda ng banana cue at kagandahang taglay nito



Dahil sa pandemya, marami ang nawalan ng trabaho kaya kanya kanyang sideline muna para maka ahon sa hirap ng buhay. Naging viral ang larawa ng isang magandang dalaga habang nagtitinda ng banana cue.


Ang dalaga sa larawan ay kinilalang si Yssa Nicole Nengasca, 16-anyos, Grade 11 student (noon, sa larawan) ng Notre Dame of Midsayap College at residente ng Brgy. Poblacion 2, Midsayap sa nabanggit na bayan.



Naging viral ang naturang larawan ni Yssa matapos na mai-post ito sa mga social media pages at lubos na namangha ang mga netizens.


Lubos na hinangaan ang kagandahang taglay nito habang nagtitinda ng banana cue.


Ang pagbebenta ng banana cue ni Yssa ay upang makatulong sa kaniyang pamilya lalo pa at nagkakaproblema umano sila ngayon sa kanilang sitwasyon dahil na din sa krisis na dulot ng pandemic


Hindi niya daw lubos akalain na mag-viviral ang larawan nito at kaniya namang ikinatuwa ang mga reaksyon ng mga netizens.


Photo Credits: Yssa Nicole

Share:

1 comment:

  1. Its really nice a pretty girl like you i will proud of you god bless and your family stay safe and keep up the good work...

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive