Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Isko Moreno tinawag na "fake leader with fake color" si Leni Robredo


Manila Mayor and presidential aspirant Isko Moreno Domagoso, tinawag si Vice President Leni Robredo na "fake leader" matapos magfile bilang independent candidate.

Si Robredo ang kasalukuyang chairperson ng Liberal Party (LP) at nais nitong makipagtulungan sa ibang partido at sektor. 

"Wag kayong malilinlang sa pagpapalitan ng kulay... Ang tanso, tubugin man ng ginto ay tanso pa rin," ayon kay Domagoso sa mga bagong miyembro ng Aksyon Demokratiko.

"A fake leader with a fake color is a fake character," dagdag niya.

LP's yellow trademark ay pinalitan na ang campaign color sa pink at ito na daw ang bagong kulay ng rebolusyon.

Sinabi ng Aksyon Demokratiko na si Isko ang magiging "healing president" at magfofocus sa mga Filipinos at hindi sa "3-decade fights among political families."

"Ang away ng mga pamilyang yan walang dinulot na buti sa ating bayan. Sila ay tumatakbo para maghigantinsa isa’t isa. Sila ay tumatakbo dahil sa kulay ng kanilang pulitika," sabi ni Domagoso.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive