Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Ina, niregaluhan ng P1-million at house and lot sa kanyang kaarawan


Laking gulat ni Aling Lolita na magiging milyonarya siya sa kanyang ika-67 kaarawan nito, bukod dito ay nakatangap din ng house and lot. Ang mga regalong ito ay mula sa kanyang anak na si Lou.

Pinaglaro muna ng kanyang anak si Aling Lolita kung PHP100,000 o silip sa kuwarto. Walang kamalay-malay ang nanay kung ano ang nasa loob ng kuwarto.

Dahil sinabi ng kanyang anak na si Lou na magtiwala sa kanya, pinili ng ginang ang silip sa kwarto na may lamang tig-iisang libo at ilang tig-limang daang pisong pera, sa kabuuan: P1,000,000.

“Pagdating ko sa kuwarto, hindi ko inasahan na nakalatag doon ang pera sa kama. Ngayon pa talaga ako nakahawak ng pera na one million," lagad ng ginang sa KMJS.

Maliban sa P1million, pinakita na rin sa kanya ang blueprint ng isang house and lot na kasalukuyang pinapatayo para sa ina.

Hindi laki sa yaman ang pamilya, sadyang nagsumikap lamang si Lou para maibigay ang mga ito sa kanyang ina.

“I want to inspire everybody na ang pera ay [kikitain] lang po, pero ang kaligayahan ng isang ina hindi mo iyan masisuklian kahit ano pong bagay," saad ni Lou.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive