Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Lolo Nardo, binisita at binigyan ng negosyo ni Wendell Ramos at mga kaibigan nito


Binisita ang nag abot ng tulong ang aktor na si Wendell Ramos at mga kaibigan nito sa viral na si lolo Nardo. 

Kasama ang iFRANCHISE Company, OFW Family Club, Inc. at WenDeli Meathouse ay binigyan ang matanda ng isang food cart. Kalakip nito ay ang mga meat products mula sa negosyo ni Wendell.


"Mission accomplished! Lolo Nardo’s dagdag kabuhayan, munting mga regalo at negosyo," post ni Wendell Ramos sa kanyang Intagram.

“Ang @wendeli_meathouse , @ifranchise.bscorp kasama ng aming -CEO @krish_official2022 at sa lahat ng bumubuo ng @ofwfamilyclub..kami po ay nagpapasalamat sa DIYOS AMA.. unang una sa lahat. At sa mga taong patuloy na sumusuporta at nag tatangkilik sa aming mga negosyo. Kayo po ang dahilan kaya nagagawa namin ang patuloy na balik tanaw para sa mga kapwa natin katulad po ni LOLO NARDO.”

Maliban sa food cart business, inabutan din nila ng cash assistance si Lolo Nardo na anila’y pangdagdag uhunan at panimula ng matanda.

Matatandaan na nakulong si lolo Nardo dahil daw sa pagnanakaw ng 10 kilo ng Manga sa kapitbahay nito.

Lubos na nahabag ang mga netizens sa sinapit ng matanda. Nakalaya na ito ngayon at nabibigyan ng maraming tulong.

Larawan mula sa Instagram ni Wendell Ramos 




Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive