Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

2 milyong poor families ang nasa "waiting list" para makasama sa 4Ps: Tulfo, DSWD

Sinabi ni Social Welfare Secretary Erwin Tulfo nitong Sabado na nasa 2 milyong pamilyang Pilipino ang nailagay sa waiting list para sa cash assistance program ng gobyerno o 4Ps.

Ipinaliwanag ni Tulfo sa ilang grupo ng mga "galit" na benepisyaryo na nakatakdang tanggalin sa programa na marami pa ring mahihirap na pamilya ang nasa waiting list.

"Nananawagan ako dito sa 4Ps beneficiaries lalo na sa opisyales ng samahan na mga sir at mga ma'am hindi lang ho ang mga miyembro ninyo ang miyembro na tumatanggap,' ayon kay Tulfo sa isang interview.

"Meron pa po akong nasa listahan na 2 million na naghihintay makapasok," dagdag niya.

"Kung di po tayo mag-aalis paano naman po itong 2 million na may nag-aaral sa elementarya may nag-aaral sa high school na ilan taon na pong maghihitay ... Paano naman po sila na wala ring source?" 

Sinabi ni Tulfo na sa 4.4 milyong pamilya, 1.3 milyong benepisyaryo ang aalisin sa 4Ps dahil hindi na sila kwalipikado o umabot na sa maximum na 7 taong pananatili sa ilalim ng programa.

Ngunit sinabi niya na ang mga pamilyang ito ay hindi agad masisipa sa programa, ngunit bibigyan sila ng abiso ilang linggo bago matangal.

Share:

2 comments:

  1. Aq po Sec.Sir Erwin tulfo😔... Sna makapasa s 4P's.alang alang po s dlawang anak q n 8 and 7years old po at parehong nsa elementary p😔. Maria Zanderlyn Piccio Sotto. Taga taguig city po may dlawang anak n Sina Angellyn and Angela...

    ReplyDelete
  2. Ako din po sec.erwin tulfo May anak ako nah 7 Yrs old sana makapasa ako sa 4ps From alangilan,sagay camiguin po

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive