Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Grab your popcorn: Drive-in cinema bubuksan sa Pampanga


Tiyak na marami ang matutuwa sa bagong paandar ng isang mall sa Pampanga, dahil sisimulan na nito sa Hulyo 31 ang kauna-unahang drive-in cinema sa bansa.


Naisip ng SM City Pampanga ang solusyon na ito para sa mga sabik na muling makapanood ng inaabangang penikula sa mga sinehan. Ayon sa ulat, gagawin ang naturang pakulo sa Amphitheatre ng mall.

Regular na ipapalabas ang mga drive-in movies tuwing  Biyernes, Sabado, at Linggo sa ganap ng 5:30 ng hapon at 8:20 ng gabi. Sa halagang P400 kada tao, ay mae-enjoy na ang isang pelikula, popcorn, bottled water at frankfurter habang nasa loob ng sasakyan.

Para mapanatili ang social distancing inirerekomenda ng pamunuan ng SM City Pampanga na magkaroon lamang ng dalawa hanggang apat na tao sa isang sasakyan.

Samantala,  wala pang tiyak na petsa kung kailangan magsisimulang magbenta ng ticket ang naturang mall.
Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog archive