Travel. News. Migrants. Economy. Health

Mahigit 11,000 'waitlisted' beneficiaries nakatanggap na ng SAP subsidy: DSWD


Inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na mula sa limang milyong waitlisted beneficiaries 11, 383 na ang nakatanggap ng ayuda mula sa second tranche ng Social Amelioration Program (SAP).


Sinabi ni DSWD Secretary Rolando Bautista sa isang press briefing noong Huwebes (Hulyo 2), na P64.3 million na ang naipamamahagi para sa mga waitlisted mula sa mga malalayong lugar sa rehiyon ng Ilocos, Central Luzon, at Cordillera Administrative Region.

Dagdag niya, P1.3 billion naman ang inilabas na ng ahensya para sa ayuda ng mga card holders ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, or 4Ps.

Sa kabuuan, ayon kay Bautista, P6.8 billion na ang naipamamahagi sa 1.4 milyong benepisyaryo ng second tranche ng SAP. Aniya, inaasahan niya na madaragdagan pa ang mga makatatanggap ng ayuda dahil uumpisahan na ng DSWD ang digital payout ngayon Biyernes (Hulyo 3).

Nagsimula ang DSWD sa distribusyon ng cash aid para sa mga waitlisted beneficiaries noong kalagitnaan ng Hunyo. Alinsunod ito sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na idagdag sa second tranche ang limang milyong benepisyaryong napag-iwanan noong unang tranche ng SAP.
Share:

11 comments:

  1. Bakit po
    . wala kami natangap sa sap or dswd

    ReplyDelete
  2. Kailan b ibibigay ang sap 2nd wave?

    ReplyDelete
  3. kaylan nmn po sa mga toda sa sampaloc sa maynila

    ReplyDelete
  4. wala na po kaming panggastos ubos narin ung mga delata namin sana mabigyan nyo na kmi pls asap

    ReplyDelete
  5. kaylan po ba maibibigay ung sap tagal ko na po nagaantay simula ng naglockdown wla po akong nakuha na sap hanggang nggayn wla papo.

    ReplyDelete
  6. Ang ncr po kailan ang umpisa sa waitlisted po na di nakakuha ng 1st tranche na ayuda?

    ReplyDelete
  7. Sa mga waitlisted po d2 sa novaliches quezon city kilan mabibigyan..

    ReplyDelete
  8. DSWD Ma'am/Sir nabigyan na din po ba ang mga taga MALABON? sana po mapansin niyo po itong comment ko. Salamat.

    ReplyDelete
  9. DITO SA AMIN SA MARIKINA FORTUNE FIRST N SECOND WALA AKONG NATANGGAP TAPOS UNG MALALAKING PENSION NAKATANGGAP NG FIRST TRANCHE BAKIT AKONG WALANG PENSION WALA PINASARA PA SHOP KO MARCH 14 ETO ADDRESS KO UPPER BALITE FORTUNE MARIKINA HANAPIN NYO PANGALAN KO MAKIKITA NYO SABIHIN KOPA ANG NAKATANGGAP NA MGA PENSIONER ITURO KO SA INYO

    ReplyDelete
  10. Ako po ni pisong duling wala po akong natanggap naghihintay baka sakali makakuha ng waitlisted,,,sana meron quezon city hahay wag naman sana ibulsašŸ˜¢

    ReplyDelete
  11. Sana po kami.mabigyan na po.. Wla napong pambili ng gatas ang anak ko

    ReplyDelete

Search This Blog

Popular Posts

Labels

Blog Archive