Travel. News. Migrants. Economy. Health

Palasyo inaming mabagal ang distribusyon ng 2nd tranche ng SAP


Inamin ng Malacañang noong Lunes (Hulyo 20), na napag-alaman nitong mabagal ang distribusyon ng ayuda mula sa second tranche ng Social Amelioration Program (SAP).


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mula sa 18 million target beneficiaries, 3,371,494 pa lamang ang nakatanggap na ng emergency subsidy. Ibig sabihin, P20.1 billion pa lamang ang nailalabas ng DSWD mula sa  P100-billion budget para sa SAP.

"Mabagal po talaga. Masasabi ko po na nabagalan din ang Palasyo sa proseso ng pangalawang tranche," sabi ni Roque sa isang press briefing.

"Maraming dahilan po ang sinasabi ng DSWD. Pero tinatanggap po namin ang deklarasyon ng DSWD na 'di matatapos ang July na hindi mabibigay ang kabuuan ng ayuda maliban doon sa mga walang access sa internet," dagdag niya.

Noong nakaraan, ay una ng binitawan ng DSWD na target nitong matapos ang SAP payout sa katapusan ng Hulyo. Ngunit anila, nagkakaroon ng problema ang ahensya sa paghahatid ng ayuda para sa mga benepisyaryo nito kung kaya natatagalan din ang distribusyon ng cash aid.
Share:

4 comments:

  1. Sanapo ay mabigyan na ang ayuda dito sa ncr pati sa lahat na nangangailangan tulad ko solo parents po senadmet kong

    ReplyDelete
  2. sana po maibigay na gutom na kmi walang ibang pag kunan wala kami trabaho isang jeepney driver hindi makabyahe

    ReplyDelete
  3. Sana po maibigay na ayan po Kc ang inaasahan namen pang bayad sa mga bills.lalot napakalake ng bayaran sa kuryente at tubig. Kasama na ang ipa Sa bahay.nawalan po kasi ako ng trabaho nangdahil sa ecq.wala na po kasiguradohan na makakabalik PA ako Sa work

    ReplyDelete
  4. sana namn po maibigay n po dito sa barangay san vicente binan laguna dami p po wala work dahil sa pandemic po.aq po 4 anak .solo parent po.di p po ngbubukas ung pinapasukan q po.sana nmn po maibigay nio n po.kawawa nmn po mga tao.

    ReplyDelete

Search This Blog

Popular Posts

Labels

Blog Archive