Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Kuya Wil, binayaran ang utang ng pamilyang apektado ng pandemic


Nagmagandang-loob ng bayaran ng Wowowin host na si Willie Revillame ang pagkakautang sa tindahan ng isang pamilyang halos wala ng makain.


Sa programang "Tutok to Win" ay masuwerteng natawagan ni Kuya Wil si Ana Toledo na taga Cavite.

Dito na ikinwento ni Ana na hindi niya pa napapadede ang anak niyang sanggol at maging siya ay hindi pa rin kumakain.

Aniya, nawalan ng trabaho ang kaniyang asawa dulot ng pandemya. Noong oras na matawagan siya ay kasalukuyan pa itong nasa labas ng kanilang tahanan upang maghanap ng mauutungan kahit pa tambak na sila sa utang.

Dahil dito, pinapapunta ni Kuya Wil si Ana sa pinagkakautangang tindahan at saka sinabi na siya na ang bahalang magbayad sa utang ng pamilya.

Bibigyan pa into ang tindahan ng P5,000 dagdag puhunan habang P20,000 naman ang sa pamilya ni Ana.
Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive