Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Magbabarkada na nagsilid sa isang lalaki sa sako para sa prank, arestado

Photo from ABS-CBN

Ang simpleng katuwaan ng mga magbabarkada ay nauwi sa pagkaaresto ng apat na magkakaibigan matapos nilang ilagay sa isang sako ang isang lalaki.


Kinilala ng pulisya ang mga suspek bilang sina Mark Francis Habagat, 20; Mark Aldrin Arce, 20; Chris Bayron, 20; at Wynzel Tan, 19.

Kwento ng mga ito, sinadya nilang itago ang kaibigan sa sako  upang i-prank ang mga taong dadaan habang kinukunan ng video na planong i-upload sa social media.

Natagpuan ang sako na laman ang lalaki noong Linggo (Septyember 1) sa Barangay Paso de Blas, Valenzuela City.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Article 155 ng Revised Penal Code o batas na nagbabawal sa alarm and scandal. Mananagot din ang mga ito sa paglabag sa social distancing at mandatory na paggamit ng quarantine pass sa kanilang lugar.
Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive