Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

'Mapapatay niya ko': Babae, bugbog ang inabot sa kinakasamang boyfriend


Viral ngayon sa social media ang video ng isang babae na naglalabas  ng sama ng loob sa nobyong nanakit at nambugbog sa kaniya.


Sa video, makikitang umiiyak at nakikipagtalo pa ang babaeng nagngangalang Erica sa kaniyang boyfriend.

Pilit rin pinalalabas ng lalaki si Erica sa kaniyang kwarto. Sa kalagitnaan ng video ay nakita pang binatukan nito ang kaniyang sariling girlfriend.

"Ganiyan kademonyo 'yan. Mapapatay niya ko," sabi ni Erica sa kaniyang video matapos itong batukan ng malakas ng boyfriend.

Hindi malinaw kung ano nga ba ang pinag-awayan ng dalawa ngunit sa video, pilit na kinukuha ni Erica ang P7,000 utang umano ng lalaki sa kaniya.

Umabot na sa 765,000 ang views ng naturang video, 4,000 comments at mahigit 4,800 shares.
Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive