Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Kasambahay na babae pinatay sa saksak ang lalaki na paulit-ulit humalay sakanya


 Pinatay sa saksak ang isang lalaki sa mismong araw ng Pasko. Ang suspek, isang babaeng kasambahay na paulit-ulit daw na hinalay ng biktima sa Sta. Rosa, Laguna.


Ayon sa GMA News TV nitong Lunes, sinabing nakagapos pa ang biktima nang matagpuan ng mga awtoridad sa loob ng isang subdivision.


Naaresto naman ang babaeng suspek na umamin sa krimen, depensa pa niya, paulit-ulit umano siyang ginahasa ng biktima simula pa noong Agosto.


Ang lalaking biktima ay nakatira sa bahay kung saan nagtatrabaho ang suspek bilang kasambahay.


Sa imbestigasyon ng pulisya, lumitaw na nagtugma ang salaysay ng suspek sa kaniyang diary na nakasaad ang ginagawang pang-aabuso sa kaniya ng biktima.


May nakita ring cellphone na naglalaman ng usapan ng suspek at biktima na sumuporta sa alegasyon ng babae, Sa kabila nito nahaharap ang kasambahay sa kasong murder.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Blog archive