Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Lolo na PWD, palaboy-laboy sa kalsada habang kumakalam ang sikmura


 Isang larawan ng matandang lalaki na may kapansanan ang umaantig ngayon sa puso ng publiko dahil sa kaniyang kalunos-lunos na sitwasyon sa kalye ng Cubao.


Ayon sa isang concerned netizen sa social media, inabutan niya ng isang pirasong burger at tubig ang matanda dahil sa labis na pagkaawa.


Nang makuha raw nito ang pagkain, bakas ang labis nitong pagkagutom dahil sa sabik na sabik itong kumain sa kabila ng kapansanan nito sa parehong kamay.


Panawagan ng netizen, sana at huwag mag-atubi ang publiko na tulungan ang kaawa-awang matanda kung sila ay madako sa Cubao kung saang kasalukuyang palaboy-laboy ang matanda.


"Guys! sana matulungan po natin itong si tatay, nakaaawa po ang kalagayan nya sa Cubao lalo na ngayong pandemic.. paki share na lang po," sabi nito sa kaniyang Facebook post.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Blog archive