Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Misis naaktuhang may kalaguyo ni mister; nagtago sa kisame ng motel

 

Inakyat ng isang ginang ang kisame ng isang motel sa Mandaue City, Cebu upang pagtaguan ang kaniyang asawang seaman na nakahuli mismo sa kaniyang pangangaliwa.


Base sa ulat ng pulisya, sinugod ng lalaki ang kaniyang misis sa pinasukan nitong motel kasama umano ang kabit nito na isa ring seaman.


Kwento ng lalaki, sabay silang umalis ng kaniyang asawa sakay ng isang taxi papunta umano sa pinagtatrabahuhan nito. Ngunit nang makababa ang babae ay muling itong sumakay sa isa pang taxi.


Sinundan ito ng mister at laking gulat niya nang dumiretso ang taxi na sinasakyan ng kaniyang asawa sa pier. Maya-maya lamang ay isang lalaki ang pumasok sa taxi sabay deretso sa isang motel.


Humingi ng tulong ang mister sa kaniyang kaibigan upang tawagan ang mga pulis. Pagdating ng mga ito sa motel, nasa labas na ang kalaguyong lalaki habang hindi naman mahagilap ang babae.


Napag-alamang nasa kisame pala ang misis matapos makarinig ng kalabog. Sinubukan itong pababain ng mga pulis ngunit nagmatigas ito kung kaya inakyat na siya ng isang babaeng pulis gamit ang hagdan.


Ayon sa mister, 2017 pa noong mahuli ng kanilang anak ang pangangaliwa ng kaniyang asawa. Malakas daw ang kaniyanv kutob  na hindi pa rin nagbabago ang kaniyang misis dahil sa malamig na pagtrato nito sa kaniya.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Blog archive