Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Misis, patay matapos makaranas ng pang-aabuso sa mister na pulis


 Binawian ng buhay ang isang ginang sa Koronadal City, South Cotabato, matapos umanong makaranas ng pisikal na pang-aabuso sa mismo nitong asawa na isang pulis.


Ang biktima, kinilala bilang si Davy Joy Habagat na base sa ulat ay pinagbuhatan ng kamay ng kaniyang mister.


Ayon sa ina ng biktima, idinadaing ng kaniyang anak ang matinding pananakit ng ulo matapos siyang pisikal na saktan ng ng mister nito noon lamang isang linggo.


Hinimatay na lamang bigla ang biktima kung kaya agaran itong isinugod sa ospital ngunit sa kasamaang palad, idineklara itong dead on arrival.


May mga pasa at pamamaga na matatagpuan sa iba't-ibang bahagi ng katawan ng biktima. Patuloy pang pinaghahanap ang kaniyang mister na nagtago matapos mabalitaan ang nangyari.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Blog archive