Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Misis, patay matapos martilyuhin sa ulo ni mister dahil sa selos


 Nasawi ang isang ginang sa Polomolok, South Cotabato matapos siyang pukpukin ng martilyo sa ulo ng kaniyang sariling asawa dahil umano sa selos.


Ayon sa awtoridad, Lunes (Disyembre 7) nang magkaroon ng pagtatalo ang mag-asawang Shiela at Ricky Penido.


Sa labis na galit ni mister, ay walang awa nitong minartilyo ang ulo ng sariling asawa. Muli pa nitong pinagpukpuk ang dibdib ng asawa nang tumakbo ito papalayo.


Matapos ang krimen, nagtago ang suspek ngunit kalaunan ay naaresto rin ng pulisya. Nahaharap ito ngayon sa kasong parricide.


Samantala, idineklara namang dead on arrival ang biktima. Ayon sa kapatid nito, matagal ng nakararanas ng pananakit si Shiela sa kamay ng kaniyang asawa.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Blog archive